Mga Pahina

Linggo, Enero 20, 2013

GAGAWIN KO ANG LAHAT


                     Pakikipagsapalaran,
                     Daan tungo sa ginhawa,
                     O patungo sa atagumplay
                     Ginhawa't saya ang hangad.

                     Ako'y isang estudyante
                     Sisikaping magtagumpay
                     Para sa pamilyang mahal
                     Mag-aaral ng mabuti.

                     Dapat ako'y responsable
                     Upang pamilya'y masaya
                     Mga paraan susubukan
                     Para makamit ang hangad

                     Sipag ang magagawa ko
                     Karangalan ay makamtan
                     Saya ay walang kapantay
                     Pagod ay sulit na sulit

                     Ngayon napatunayan ko
                     Sipag, susi sa tagumpay
                     Ginhawa sa hinaharap
                     Saya'y panghabangbuhay  ko

MAGKAISA TAYO

                    Ang wika ay komunikasyon ng bawat tao o ito ang paraan para tayo ay magkaintindihan.


                         Si Manuel L. Quezon ay tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa". Siya ang nag-umpisa na palawakin ang wikang pambansa, ang "Wikang Filipino". Ang wikang ito ang ginagamit ng bawat Pilipino upang magkaintindihan ngunit may iilan pa rin na hindi nakaaalam kung paano gumamit ng wikang Filipino lalo na ang mga galing sa probinsya na luluwas patungo sa Maynila.                          

                       Maging sa iba't ibang sulok ng bansang Pilipinas ay may iba't ibang lengguwahe na nagiging dahilan din ng hindi pagkakaunawaan ng bawat isa. Ang bansang Pilipinas ay nagtataglay ng 22 wikang ginagamit ng bawat rehiyon sa bansa. Kung sa 22 wikang iyon ay ginagamit ng bawat isa sa ayin at wala na tayong pagkakaisa maging sa wika ay lalo tayong magkakagulo at hindi magkakaintindihan
                         Dapat mas mapalawak natin ang ating Wikang Filipino sa kasalukuyan at sa hinaharap. Tayo'y magkaisa para matupad ang ating layunin.
             Wag nating ikahiya ang ating wika. Ating itong mahalin, pangalagaan at protektahan.
                       ATING ITONG PAGYAMANIN!!!!!!!!

Biyernes, Enero 18, 2013

WIKANG SARILING ATIN, PAGYAMANIN


                          "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay daing pa ang mabaho at malansang isda". Ang pahayag na ito ni Dr. Jose P. Rizal ay tumatak sa ating isipan ngunit bakit may mga Pilipino pa rin ang maskinahihiligan ang wikang banyaga?
                           Kapag nakarinig ng salitang ingles ay humahanga na tayo at ikaw mismo sa sarili mo ay humahanga kung ikaw man ay magsalita ng wikang ingles.Tama nga na ang wikang ingles ay tinatawag na "Universal language" ngunit dapat pagdating sa sariling bansa ay winawagayway ang pagkapilipino. Dapat sa mismong sariling bansa simulan ang pagmamalaki bilang isang tunay na Pilipino.
                           Sa pagdaan ng panahon ay mas lalong umuunlad ang wika natin . Noo'y pilit na pinapaunawa at pinapagamit ang ibang lengguwahe ngunit ngayon ay malaya na ang bawat isa sa paggamit at pag aral sa ibat- ibang wika sa loob o maging labas ng bansa . Minsan pa nga pumupunta ang ibang tao sa ibang bansa para lang matuto sa wika nila.
                           Mas maganda pakinggan kung ang sariling wika ay laging ginagamit sa pang araw-araw na pamumuhay. Hindi pa huli ang lahat para sanayin ang sarili na gumamit ng sariling wika natin

     IPAGMALAKI AT PAGYAMANIN ANG
                  SARILING WIKA NATIN

Miyerkules, Enero 16, 2013

Tatag ng Wikang Filipino, Lakas ng Pagka-Filipino


ni: Avon Adarna

Ang wika ay apoy – nagbibigay-init,
Sa sanggol na hulog ng anghel sa langit,
Ang inang kumalong at siglang umawit,
Wikang Filipino ang siyang ginamit.

Ang wika ay tubig - na nagpapaputi,
Ng pusong may sala at bahid ng dumi,
Manalangin lamang at saka magsisi,
At patatawarin ng Poong mabuti!

Ang wika ay hangin – siyang bumubuhay,
Sa patid na hinga ng kulturang patay,
Ito’y nagbibigay ng siglang mahusay, 
Sa mga tradisyon at pagtatagumpay.

Ang wika ay bato - na siyang tuntungan,
Nitong mga paa ng mahal na bayan,
Wika ay sandigan nitong kasarinlan,
Sa bundok o burol, maging kapatagan.

May alab ng apoy at lakas ng bato,
At kinang ng tubig na wari ay ginto,
Wikang Filipino’y matatag na hukbo
Na lakas ng iyong pagka-Filipino!


Ako'y  naantig sa tulang ito ni Avon Adarna sapagkat naibigay niya ang buong diwa ng Wikang Filipino!!!!!!!!