Biyernes, Enero 18, 2013
WIKANG SARILING ATIN, PAGYAMANIN
"Ang hindi magmahal sa sariling wika ay daing pa ang mabaho at malansang isda". Ang pahayag na ito ni Dr. Jose P. Rizal ay tumatak sa ating isipan ngunit bakit may mga Pilipino pa rin ang maskinahihiligan ang wikang banyaga?
Kapag nakarinig ng salitang ingles ay humahanga na tayo at ikaw mismo sa sarili mo ay humahanga kung ikaw man ay magsalita ng wikang ingles.Tama nga na ang wikang ingles ay tinatawag na "Universal language" ngunit dapat pagdating sa sariling bansa ay winawagayway ang pagkapilipino. Dapat sa mismong sariling bansa simulan ang pagmamalaki bilang isang tunay na Pilipino.
Sa pagdaan ng panahon ay mas lalong umuunlad ang wika natin . Noo'y pilit na pinapaunawa at pinapagamit ang ibang lengguwahe ngunit ngayon ay malaya na ang bawat isa sa paggamit at pag aral sa ibat- ibang wika sa loob o maging labas ng bansa . Minsan pa nga pumupunta ang ibang tao sa ibang bansa para lang matuto sa wika nila.
Mas maganda pakinggan kung ang sariling wika ay laging ginagamit sa pang araw-araw na pamumuhay. Hindi pa huli ang lahat para sanayin ang sarili na gumamit ng sariling wika natin
IPAGMALAKI AT PAGYAMANIN ANG
SARILING WIKA NATIN
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento