Linggo, Enero 20, 2013
GAGAWIN KO ANG LAHAT
Pakikipagsapalaran,
Daan tungo sa ginhawa,
O patungo sa atagumplay
Ginhawa't saya ang hangad.
Ako'y isang estudyante
Sisikaping magtagumpay
Para sa pamilyang mahal
Mag-aaral ng mabuti.
Dapat ako'y responsable
Upang pamilya'y masaya
Mga paraan susubukan
Para makamit ang hangad
Sipag ang magagawa ko
Karangalan ay makamtan
Saya ay walang kapantay
Pagod ay sulit na sulit
Ngayon napatunayan ko
Sipag, susi sa tagumpay
Ginhawa sa hinaharap
Saya'y panghabangbuhay ko
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento